Friday, March 26, 2010

Big Day

[4:35:24pm 03-26-10] Haha Graduation Day ng CEAT at COS sa DLSU-D ... haha Congrats nga pla sa mga klasmeyt namin na BIT at BCS(Wally, Glenn, Dan, Kevin, Paul, Ret, Madz, Kadi) at saken haha... Sa mga bumati(sa text, sa ym, sa personal na bati) maraming tenx nga pla, may utang ako sanyo na kiss :-* Bwahahaha... Tenx din kay Wyndon Imperial na pumunta dun sa Graduation namin :)

Wheeww!! Gara graduate na ko... Bat ganun? hahaha ndi n q studyante? mga utot niyo, 6 pa din bayad ko sa jip, ay correction indi pla tumatanggap ng bayad ang jip, 6 pdin ang bayad ko sa driver ng jip hahaha ayan ok na... engot engot din eh noh, pinapansin every word nyahaha.. prang ganto lang eh naalala ko lng naman, lumang trip na naming magpipinsan pero di ko talaga mapigilan matawa khit paulit ulit nang nangyayari, ewan ko ba kung bakit, basta naiimagine ko talaga kapag may pasaherong ganto magbayad tapus nadidinig ko pa

Boy: Bayad nga po, Dalawang SM(nag abot ng 15 pesos)

O ha, nakabili ng dalwang SM tpus may sukli pang tres... san ka pa dude pare chong hahahaha, ang yaman ni koyahhh

Umayos sila... wag silang magpatawa dahil natatawa ako kahit paulit ulit nilang ginagawa yan... Pede namang sabihin na "Bayad po, dalawa po sa may SM lng"... mga kalokohan niyo, isusumbong ko yan kay bonggang bonggang bong bong

wheww!!!

nu ba yan, ndi na talaga ako studyante... tsk3, pahinga muna ako, enjoy ko muna ang summer, aayusin ko pa yung sa dokyu ng thesis, hayzzzzz ipapasa pa pala un, nakakatamad nyahaha, isosoli ko pa pala yung toga. Tapus magpapaclearance pa... Yun oh, may rason pa ko para bumalik ng skul, pag mga ganung bagay talaga gumagana tong Baliw ko na utak... Well well well, babalik pa ko ng school... Yahoo!!!... nyahaha, kala nila ah, pipitikin ko sa ilong lahat ng mga nagpahirap na prof sakin(haha bitter?), nang maranasan nila ang magdugo ang ilong bwahahaha mga bastard, dapat talaga jan sa mga prof na ganun eh tinuturuan ng leksyon para magtanda nyahahah... wag silang pangiti ngiti, huhh! sinasabi ko sakanila...mahirap tumawa ng basag ang panga... haha joke joke peace... tenx din pala sa mga naging prof namin :) basta tenx.... basta tenx... tenx... may utang din ako sanyo na kiss :-* nyahahahaha kung ilang ung grade ko, ganun din yung kiss nyahahaha

wla na kong masabi... basta ganto na lang reaction ko pag dating ko ng hauz kase graduate na ko... wla ng pasok sa skul... wla nang allowance hahaha =))



ayan kamot ulo... parang engot, di marunong mag ayos ng necktie? nyahahaha!!!

mkapagbasketball na nga lang, at magfoodtip, at magdota paminsan na lng, at magkeyboard(nxt na pnag aaralan q ung "suteki dane", e kasi canon lng nman alam ko hahahah, at mag ipon pangbili ng bagong gitara, at gumawa ng madaming kabaliwan pa, at gumala??? at matulog ng matulog kahit di na magising nyahahha, pag gusto ko na lang gumising tsaka na ko gigising peace all ... :D

Wednesday, March 3, 2010

Wednesday

[1:05:40am 01-04-10] actually kanina pang wednesday ko naisipang gumawa ng blog pero andami ko kasing ginagwa(too many to mention :D) kaya inabot ako ng madaling araw... sayang nagkataon sana na wednesday na naman tatapat yung paggawa ko ng blog hahaha... (balik tayo sa nangyari kanina) ayun kaninang umaga ang ganda ng simula ng araw ko, yung van na nasakyan ko eh sira yung aircon, tapus solidong init talaga kaya solidong pinagpawisan din ako(hahaha chong) kaya naman pag baba ko ng van eh para akong naglaru ng basketball, solidong basang basa ng pawis yung likod ko bwahaha eh sakto kelangan namin mag exam ng finals kasi graduating na kami(graduating? oo gagraduate na din sa wakas :D) kaya ayun dumerecho na ko sa class ni sir angelbert, actually naki sit in lang kami sa klase nya, nagpalamig kami dun sa rum kasi aircon tapus nakikisaksak pa ko ng Ipod(ni ate) kase lowbat na)...

Sakto rin nga pala na solidong nasira yung tsinelas na suot ko habang papasok ng skul, indi yun napigtal ang pagkakasira nun e nakanganga(3/4 ng tsinelas) na yung sa ilalim kaya tuwing ihahakbang ko yung kaliwang paa ku eh alam na, so ginawa kong icekating hall yung skul =)) nyahaha nagsslide lang ako kahit ndi makinis ang dinadaanan ko, prang adik lang tuloy ako tingnan lalu na kpag nasa hagdanan(ang weird :D)... basta ang mahalaga nakarating ako dun sa pupuntahan ko... hangang sa uwian na, sira pa din tsinelas ko kya nagpunta kami dun sa ano(basta dun un kapag may kailangan ka), nagtanung muna ako kung meron ba dung rugby(hithit? hahaha adik) o kya kahit anong pandikit para lang masalba ung tsinelas kong solidong walang kwenta... buti na lang merong doublesided tape dun kya salamat talaga, epektib naman kaht papano haha may remebrance pa nga ako na mighty bond, pinabaon pa skin ni sir(basta un) pra sigurado lang bka matuluyan pa at mamumubi ako... at ayun nakauwi naman. sa di mapaliwanag na sitwasyon..

Sa ngayon abala ako sa panunuod ng "Kyle XY", matagal na yan pero astig eh, natutuwa ako sa kwento :) hahaha

basta yun na nakuwi naman aq ng maayos dala ang naghihingalo kong tsinelas, at xempre pra pampachill tugtog na naman ako ng keyboard pag dating ko sa hauz at dahil isa lang ang alam kong tugtugin at ayun ang walang kasawa sawang CANON :D peace atleast meron natugtog kahit nag iisa lang hahaha paulit ulit lang na ganun ok na ko, basta yun na nga yun nuod muna ako Kyle XY ahahahah ganda na ng scene eh, ganda ni amanda dun sa Kyle XY, bye na muna :) ay mali pala, No GOODBYE's just SEE YAH...ok

basta ang mahalaga gagraduate ako... nyahahaha PEACE

:' )

Tuesday, November 10, 2009

morning :D

[8:58:31am 11-11-09] hmm, pangatlo ku na palang blog post to at napansin ku lang, ngayun ngayon lang na sa tuwing nagpopost aku e laging sumasakto sa araw ng wednesday, ndi ku alam kung baket, ikaw alam mu ba? tanung nyu na lang kay boyhenyo(kuya arnel na mahinang nilalang) kasi andaming alam nun ih ahahaha... :D ... tamad kasi aku kaya kung kelan lang ako tinopak at may naisip na isulat dito e tsaka lang ako magpopost, hahaha mabaliwbaliw na morning na naman kaya sinipag yung utak kong mag isip... pero yung tungkol sa tuwing wednesday natatapat lagi, e ewan ko un, wala namang sched ang pagpopost ku d2... ba pakeelam nyu haha peace, suntukan na lang tayo sa loob ng drum na puno ng tubig para wlang away bwahahaha pag nanalo ka edi sayung sayo na yung drum...

ayun nga bakit morning lang lagi aku kung mag greet pati sa text at ndi good morning, ang sakin lang ndi nman lahat ng ginigreet ku e maganda ang morning, malay ku ba kung badtrip sya sa umagang yun, badtrip na tapus good morning pa, lalong nakakainsulto ng morning un... kaya kung mag gigreet kayu ng good morning, siguraduhin nyu munang parehas good ang morning nyu, kasi kung good ang morning mu tapus sya inde at vice versa e naglolokohan lang kayu... kung ganun lang din naman edi magsuntukan na lang din kayo sa loob ng drum, tingnan ku lang kung di gumanda ang morning nyu nyahahhaah.... peace 100x

so pag ka gising ko nga nung araw na to... bangag bangag pa ku nun kaya good mood ako haha... nagtexttext muna ako kaya 9:20 na ku nakabangon hehehe... maaga na sakin yung ganyang gising kasi maaga na din aku natutulog, ok na sakin kahit 3-5hrs na tulog per day ... at pag bangon ko hahaha good conversation kaagad ang nangyari samin ni mama... ganto yung nangyari
---------------------------------
mama: bat ang aga mu gumising?

baliw(ako yan): e ang aga ku nagising eh, alangan pigilan kung gumising
(takte lakas topak ku kakagising lang ih peace pilosopo amp ewan ku ba kung bakit ganun sagot ko, bad bad)

mama: baket mai lakad ka na naman ba?

baliw: (pasagot pa lang uli aku ng biglang inunahan ako ni mama)

mama: (galit naku) ikaw umayus ka ng sagot mo ha, tinatanung ka kung mai lakad ka, sasagut ka lang ng oo o hinde tapus sagot mu djashdiuqwjsanddasjkda
---------------------------------
naintindihan nyu? e tama naman sagut ku sa unang tanung niya sa palagay ko lang ah hahaha baabait pa ku... tapus nung tinanung niya kung may lakad ako sabay iba daw sinasagot ko... whew galing magpalusot talaga ni mama tsk3, sakanya talaga aku nagmana hahaha pag nabasa mu to mama apir tayo... :D ... ayun lang mas magaling aku magpalusot sakanya woooH!!! pero nung pagkatapus ko magtoothbrush, paglabas ku ng banyo parang wala lang nagyari, bati na ulit kami, sabay almusal na kami hahahahah!!!

at kagabi nga pla... naala ku yung kwento ni leo dun sa katext niyang tropa niya na pinagttripan sya sa text kaya natuwa naman aku sa reply ni leo
---------------------------------
leo: WMT ka talaga no

reply sakanya: anu yung WMT?

leo: Walang Magawa Tanga
(nice one leo hahaha mabuhay ka)
---------------------------------
tsaka nanghiram din aku kay leo ng pocketbook ba un? d kasi kasya sa bulsa ko ih kaya nag aalangan aku kung pocketbook un,.. basta ayun ala kasi aku mabasa, buti na lang enjoy basahin, parang bob ong xa pero mas malupit pa ata dun hahaha nakakalimang book na pla ung author nun, book 2 ung naghiram ku kay leo(na hiniram lang din nya sa klasmeyt niya) na pinamagatang 'the panti chronicles' 96 pages lang na jokebook kwela din naman haha by jay panti(auhor), naaliw aku basahin kya natapos ku xa ng 3am, mbagal aku magbasa ninanamnam ku pa ung scene na laftrip e hahaha... gusto ko basahin nung iba pa niyang book, balak ku din bumili nun kaso di ko alam kung san bibili... ung author nung book may blogs din (http://jaypanti.blogspot.com) mbabasa nyu dyan yung mga pasulyap na kalokohan ni jay panti tsaka about dun sa iba niyang book, panti talaga apilyido nya hahaha astig

wala na pala akung mabasa na book dito kapag nasa hauz, kaya pahiramin nyu naman aku, yung maganda basahin ah... tenx, leo pahiram aku ng iba pang book jan sanyo, kung alam niu kung san mabibili yung kay jay panti, svihin niu na lang sakin tenx... hahaha

tinatamad na ulit ako, ay di pala, yung utak ko lang pala yung tinatamad... next time na lang ulit. chao


Tuesday, October 20, 2009

com-sci

[12:39:55am 10-21-09] Ayun as usual di pa ko inaantok, papabangag pa ku syempre tsaka inaantay ku pa yung Reporter's notebook(hmm title: Bitay kay Bantay, yung tungkol sa mga asong gala na pinapatay) trip na trip ko talaga manuod ng mga documentary... Naalala ko tuloy yung nag-iisa kong aso na si "sugar", iniyakan ku nga yun nung namatay huhu... wew

Toinks eniwey balik tayo sa totoong title... Panu nga ba ako naging computer science, com-sci, cs student... Ganto kasi yan napakadali lang ih... Nung nagsimula akung mag aral baliw na ku nun(sikreto lang un ah :D hihi peace) bale kinder I aku nun, dun na nagsimulang tanung tanunin aku kung anu ba gusto ko maging pag laki ko, ako nman haha syempre mabait pa ko nun kaya ang sagot ko "gusto ko po maging pari", hanggang sa mag kinder II aku gusto ko padin maging pari tapus tatanungin nila ako kung bakit ko daw gusto yun, e ako naman walang masagot kaya ngingiti na lang ako :D... pagkatapos ko mag kinder II(bwahaha valedictorian nga pala aku nun >:) imposible pero totoo nyahaha) indi na ku nakapag prep(preparatory level) kasi nag entrance exam aku ng pang Grade I tapus pumasa naman aku kaya na accelerate aku ng isang taon sa pagpasok sa skul... tapus ayun na nga Grade I na ku nun, dun na nagsimula mga kakulitan ku, naala ku pa nga nung binuhat ku sa hagdanan yung bestfriend ku na si johnell cabra(wrestling trip ku nun haha mabait na bata) tapus binitawan ku sya, ayun bagsak siya sa hagdanan tpus tulo ung dugo niya sa tenga, toinks alam na edi pinatawag aku sa principal's office puro sermon inabot ku , ang nasabi ku lang e naglalaru lng po kami ng wrestling ofcourse di naniwala yung principal dugo ba naman tenga nung bestfirend ko ih, ayun napalo pa ko sa bahay kasi kelangan ng letter ng magulang wid signature... so nung Grade I na ku nag iba na gusto ko nun, hmmm ambition ko na ang maging piloto, bkt?, kasi idol ko si tatay en(piloto na maagang namatay sayang ndi ko siya nakilala) tsaka WARFREAK aku nung mga panahon na yun, gusto ko maging piloto kasi sarap sumakay sa jet plane tpus gusto ko yung may mga pinapasabog(boOmM sabog sarap tingnan) tsaka gustong kong libutin yung mundo sakay ng jet plane na ako ang piloto( it's sad to say pero eto talaga pangarap ko Y_Y) hmmm bagu mag kadramahan eeeeeeeei........wag ganun hahaha mula grade I aku hangang grade 6 buo na loob ko na mag pipiloto aku pag laki, balak ku pa nga patayin si Osama Bin Laden(hayup yun paulanan ku yun ng madaming missile tapus shoOong!!! shoOong!!! shoOong!!!...... boOomMMMMm yooHooo sabOg sana yun tapus parang fireworks, tpus palakpakan mga tao hahaha walangyang pag iisip yan, pero totoo lahat yan promise... ayun hanggang sa maging Highskul aq, 1st yr piloto pa din gusto ko tapus 2nd yr ganun pa din kaso nasama na sa target ko si Saddam Hussein(papasabugin ko din yung hayup na yun ih, target lock tapus ShoOong!!! isang missile lng para sakanya nakakaawa naman ih hahah tapus syempre boOoMmm sabog kang nilalang ka, ansaya ku sana tsk3) tpus ayun 3rd yr ambition ko pa din ang maging piloto tapus eto na 4th yr na kelangan na talaga pag isipang mbuti kung anu bang kukunin kung course pag ka graduate ng highskul, hangang sa lumipas ang panahon gumraduate na ko ng HS, kung kukunin ku ang aeronautics dun aku mag aaral sa Philippine Air Transport and Training Service(PATTS dun sa may paranaque) hmm... sa ngayon di pa malinaw kung bakit nga ba hindi aeronautics ang kinuha kung course, basta yun na yun nakalimutan ku na ih peace, hanggang sa nag isip pa ku ng ibang option na kukunin ku, dahil uso pa nun counter strike at adik pa ku sa paglalaru ng computer kaya pumasok kaagad sa isip ku na related sa computer ang isa kung option, sabi ni ate computer engineering daw edi agree naman aku, UPHR-laspinas dpat aku kasi mai offer dun na com-eng kaso ayaw ni ate, sa DLSU-D n lng daw aku kasi mas ok daw dun tska dun daw nag aral yung iba kung pinsan tulad nila kuya cane,kuya popi, ate che... sa DLSU-D lng aku nkpagtake ng enrance exam, late na kc aku kumuha nun, yung ibang skul nga nun closed na yung sa entrance exam kaya lasalle dasma na lang talaga pag-asa ku kaso wala pang com-eng nung mga panahon na yun kaya nauwi sa 1st choice-"comsci" 2nd choice-"architecture" 3rd choice-"accountancy"... e 500 items ata yung sa entrance exam indi ko nga natapus sagutan lahat, nasa 380+ pa lang aku time na kaya wla na kung no choice kundi magpasa... ang resulta pasado sa com-sci pasado sa architecture(hilig ku kasi magdrawing ng kung anu anu kaya nakachamba :D) at bagsak sa accountancy(best in math pa naman aku mula grade I hanggang 4th yr, imposible na naman pero totoo, tamad lang talaga ako mag aral wew tongkLongks)... ayun com-sci at architecture na lang pagpipilian ko, hmmm nasa isip ku 34% com-sci, 33% architecture, 33% indi ku alam... obvious com-sci ang kinuha :D ... ayun naging BCS15, tpus naging BCS25(pag dating ng 2nd sem na merge section nmin kaya nasama kami sa BCS24), tapus naging BCS34 then BCS44, e 5th yr ko na ndi naman pedeng BCS54(waw ah! anu ka bastard?) kya BCS44 pa din aku ngayon... hmm parang nbaliwala lang yung pag kaka accelerate ku ng isang taon kasi na extend aku ng 1 year sa college... gagraduate ako ng 20yrs old com-sci student yr.2010 (looking forward for that), hehe 19 sana kung netong march2009 aku gumrad ...

dami kung ginagawa hmm tsaka ku na kwento yung sa pagiging com-sci ku 3:10am na kasi dito ih, tutulog muna aku ng maaga kahit ngayon lang (hindi na nga aku nagkape) nyahahah Byers [au revoir]

Tuesday, October 13, 2009

Facebook

[1:43:25am na dito sa haus Oct.14 2009 ] haha ayun di pa ko inaantok, kailangan magpuyat para mabangag , BIGlang pumasok sa isip ko na gumawa ng blog >:) siguradong sure ako na madaming adik na nagfafacebook ngayon sa mga oras nato haha tamaan kau jan kundi tatamaan kau sakin(haha bitterness amp), ayun nga kasi wala akong account dun... eto namang mga cousins ko, halos lahat na ata sila sinabihan na ko na gumawa na daw aq ng facebook, aku na lng
daw ang di gumagawa ng account(weh? hutut) , haha di tuloy nila ako ma tag sa mga pictures namin(nag vovolunteer na nga sila na igawa aku ng account kaso choosy aku eh nyahahaha MALAKING asa), pati mga ate ko nasabihan na din ako, ung mga kamag-anak ko sa ibang bansa, tropa at mga klasmate ko tinatanung na din kung meron daw ba akong FB... bwahaha kuntento na kasi ako sa friendster, siguro naman ung mga friends ko sa fs eh un din nmn ung mga iaadd ku sa FB, ganun din, e ndi ko nmn hilig maglaru ng mga friends for sale,RC,farmville...

hahaha mapaglumaan na kung mapagluman ng panahon, ok lng nkakabalita pa nmn ako sakanila kahit wala akong FB, nakakasama ko nmn sila sa laftrip,fudtrip,tamby, ngkikitakits naman kami nung iba kahit paminsan minsan, ntetext ko nmn sila pag kamustahan tska kpag sa kowts... so ayun sumagi sa isip ko eh nakakaasar mmya nga palang 12:30 yung re-def namin sa thesis(bon sang de merde), anu kaya mangyayari mamaya? pwedeng maanu yun tapos ganun tapos yun nga magiging ganun na nga yung mangyayari o kaya pwede ring maging ganun, pag nagkaganun edi yun yung mangyayari(pag di mo to naintindihan, isa kang dakilang row4 promise, at kung hindi mu alam ang ibig sabihin ng row4 tsk3 para kang nagtampo sa bigas nyan Bwahahaha, ayoko nga isipin yun thesis kasi kinakabahan ako(naBOBOBO ako 2 d Nth power) buti n lng kahit pinanghihinaan na ko ng loob Positive thinker pa din aq Nyahahaha ...waaHHh nawala na ko, iba talaga epekto kapag naririnig ko yung thesis na yan... makapag kape na nga lang para antukin ako(baliktad epekto sakin ng kape) Hanep nagsawa yung hangover sakin... Peace